Friday, November 2, 2007

Hello, Betty Banana!

Sa hindi nakakaalam, si Betty Banana ay isa sa mga mascots ng Lactum. Uhh. Yun. Nakatanggap ako dati ng GM galing kay Bianca. Pumapalit na daw ang commercial ng Lactum sa Knorr. Haha. Quoting Bianca:

"Wala pa ring tatalo sa sinabawang gulay."

Well said. Haha. Galit talaga ako sa mga commercials. Noon pa, kahit ngayong alam kong mga ads na tulad nito ang bumubuhay sa mga local broadcasting stations. At dahil hardcore Catholic [ata] ako, alam ko na mayroong 'lies of propaganda'. Yeah. Yun nga. Lahat ng pwede nilang sabihin, sasabihin nila sa mga ads nila, makabenta lang. At dahil malakas ang hatak ng media sa madlang people, marami ang madali nilang napapaniwala.


Hay. My point of view. Malabo. At may kinalaman pa sa advertising ang course ko. Bahala na si Batman sa kung anong klase ng trabaho ang bagsakan ko. Hay.

***

Tapos na ang induction. Uhh. Halos isang linggo na ang nakalipas. Yea. ^^ Masaya naman ako. All the prayers, rituals, animal sacrifices, mga ginawa nila Kuya Lester, Kuya Tzad, Kuya Rikki, Kuya Ced - basta, sa mga kumausap kay Mami - finally paid off. Haha.

At ngayon, dahil sobrang faithful ako sa law ni Kuya Newton, isa na namang problema ang kinakaharap ko ngayon. Biruin mo, first year pa lang ako, may possibility nang ma-delay ako. Wow. First year, second sem.

Ang CRS o ang Computerized Registration System. Haha. Ang salarin. Computerized...yeah right. All the more reason for it to be such a pain in the neck. Ang alam ko, priority ang freshmen. Pero ano to?!

Eighteen units dapat ako. Hindi kasama sa bilang ang PE. Anyway, naka-9 lang ako. 0_O How's that? *sniff* Pinoproblema ko pa ngayon kung paano makukuha yung remaining 9 units. Hay. At naubusan pa ako ng slot sa isang MAJOR SUBJECT. Kalokohan naman yun.

I'm not going to rant about that controversial TOFI. Marami rin siguro kaming hindi pinalad na makakuha ng subjects bago ang mismong enrolment. Hay. Taeness.

Wala na akong masabi. Ay. Meron pa pala.

I love CRS.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home