Emo? Hell No (and they rhyme)
Anxiety
Walking through an unfamiliar town
Faceless people passing by
A conundrum is keeping me down
It's eccentric, I don't know why
Those hypocritical grins
And insincere affections
I obtain nothing but these
Still, I search for resolutions
Walking through an unfamiliar town
Faceless people passing by
A conundrum is keeping me down
It's eccentric, I don't know why
Those hypocritical grins
And insincere affections
I obtain nothing but these
Still, I search for resolutions
Despair and misery
What's in store for me?
Time and destiny
Now all I feel is anxiety
An enigma, it stays as is
Always torment, never bliss
How can I persist
When all I undergo is this?
Engulfed by the misty ambiance
I let my head sink in my palms
For all I want to do is to overlook
About the love that I once mistook
Uh. Yea. Written way back when I was still in first year high school. At ang emo pala ng dating nito. Buti naman at hindi nalaman ng madlang people na ako ang sumulat nito. Haha. I never had it published with my name under the title. Gumamit lang ako ng pen name nung binigay ko 'to sa Literary Ed ng school paper namin. Wala na daw kasing nagsu-submit.
At yun nga. Hindi ko rin alam kung ano ang inspiration ko nung sinulat ko to. Mali rin naman ang pagkakagawa. Uhh. Freeform ba tawag dun? Basta yung malayang pagsulat. Walang sukat, walang tugma.
Anyway, emo. Ano ba talaga ang emo? Maliban sa shortcut form ng salitang 'emotional', ano pa ba ang ibig sabihin nito? Kahit ang isang pamamaraan ng pananamit ay tinatawag na emo. Nabasa ko rin sa isang vandalism na ang emo ay isang genre ng musika.
Malabo pa rin ang ibig sabihin para sa akin ng salitang ito. Pero isa lang ang masasabi ko:
Hindi ako emo. Hell no.
At sana may makasagot ng tanong na umusbong mula sa aking katangahan.
***
Mga significant events sa aking buhay:
- Nalaman ko na may blog pala ang sosyal na chimay na si Inday. Haha.
- Nakaalala ako ng mga bagay na
walang kinalaman sa course ko ngayonnatutunan ko sa Physics. Sumakit lang ang ulo ko. Yun ay ang Quantum Theory. Haha. At nagkataong ka-chat ko sila Kuya Lester at Kuki kaya sila ang nagtiyaga at tumiis sa aking mga pinagsasabi. - Pati rin pala ang Pater Noster o ang Latin version ng Our Father. Buti na lang hindi ko nabanggit ang Salve Regina.
- Inutusan ako habang nagpopost dito. Naasar ako. Ayokong pinapahanap sa akin ang mga bagay na nasa harap lang ng nagpapahanap sa akin. o_o
- Gusto ko may #5 para hindi naman masagwang tingnan.
Makulay ang buhay 'pag ginawang gulay. Yea right.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home