Wednesday, October 24, 2007

Word of the Day: Tae


TAE. Tae talaga. Ganitong-ganito ang itsura ko ngayon. Erm. Hindi naman ako luhaan pero ganun pa rin. TAE. Nakakaasar. Officially pissed off.

Tae Issue #1:
Induction

Ako: Ma, nabasa mo na yung letter?
Mami: Hintayin mo Daddy mo. [pause] Sa Tagaytay?
Ako: Oo.
Mami: Ba't doon pa?
Ako: 'Di daw pwede sa school.
Mami: Baka frat yan ah. Anong gagawin nyu doon?
Ako: May program daw.
Mami: Hingin mo kay Lester yung line-up ng gagawin ninyo.

Reaction ko deep inside: What the f---. E confidential nga yung program. Parang ang dali lang hingin nun a.

Frat? Tae. Frat daw. Kahit ako, nainsulto dun. Pero naintindihan ko naman yung pagiging mabusisi ni Mami. Tae kasing frat-related violence yan. Nagkaroon na tuloy na generalization. Kahit mga orgs (GAWD! Orgs na may specific objectives) nadadamay. Tae talaga.

At dahil matitino ang grades ko, sabi ko sa kanila, yun na lang ang kick back ko. Eh TAE. Parang wala lang. Parang hindi pa rin uubra. Tae. Ba't parang ang hirap magpaalam?

At dahil sa pagiging mabusisi ni Mami, may possibility na magiging epal ako. Taeness. Go figure. Ayoko nang isipin. Naiinis lang ako lalo. Tae talaga.

Tae.

Tae Issue #2:
Sipon

I'm down with a cold. Napalitan ng sipon yung sakit ng ulo ko kani-kanina lang. Tae. Ayoko pa naman ng may sipon. Ubo, ayos pa. Sipon hindi. Alam n'yo na siguro kung bakit.

And for some strange reason, nangangati ang likod ko kapag may sipon ako.

Tae.

Sunday, October 21, 2007

Funky Crazy Buddha Talk

Gantz. Yun. Parang ayoko nang basahin. Hehe. Madrama na eh. Wala lang. Nabasa ko na rin yung huling chapter. Tae pala yung ending. Puro funky crazy Buddha talk kasi e. Haha.

Parang tinatamad ako magkwento. Hehe. Ganto na lang.
  1. Nagpunta kaming Quiapo. First time kong makapunta dun at nakapaglibot. Sinamahan ko si Mami. Dun ko daw makikita ang tunay na mukha ng buhay. >_<
  2. Yun. Ayos na kami ni Mami. Yeah.
  3. Magkatext kami ni Adorabs kanina. Ang topic: the Philippine government. Siya lang naman ang nakakausap ko tungkol sa mga boring stuff na hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ng mga taong kaedad ko.
  4. Naalala ko ulit yung daya sa math na nalaman ko nung 3rd year. Hehe. (Yak. Geek mode ulit.)

At may himala. Haha. Maayos ang grade ko sa Techniques, Visual Perception pati Judo. Hay. Three down, three to go.

Kaso. Yun nga. Law pa rin ni Kuya Newton.

Medyo badtrip pa rin. Para kasing may inaasahan ka, kaso...wala. Alam kong mali ring mag-expect.

'Pag umasa ka, madi-disappoint ka lang.

Totoo naman. Hehe. Ganun talaga.

Ayoko munang ikwento. Asar pa rin ako.

Sana payagan ako sa induction.

Saturday, October 20, 2007

There is No Cow Level

Erm. Cheat sa Starcraft. Wala na akong maisip na title. At namimiss ko na maglaro. Huhu. Then, release ng SC2 next year. Yea.

Wala lang. Geek mode. Tae.

Obvious ba na pinapasaya ko sarili ko? Asar talaga. Ganun naman palagi. At the end of the day, something bizarre happens and completely destroys your mood. Total annihilation. Beating your emotional ego to a bloody pulp.

Ang labo rin naman naman kasi ni Mami. Hindi ko na alam kung paano kikilos. Nagkataon pa sa induction. Tae talaga.

Yun. Galit pa rin siya. Erm. Yun.

Ayoko na muna sanang isipin yun kaso hindi naman pwede. Ang liit ng bahay namin kaya talagang awkward ang walang pansinan.

Sumasakit na ulo ko. >_<

Wala lang. Bummed out. Gusto ko lang matulog.

Pati ice cream.

Take me anywhere...anywhere but here.

Wa. Kaasar. I'm totally helpless.

Sinubukan kong magdrawing. Wala. Sinubukan ko ring tumugtog. Wala lang. Lalo akong naasar. Wala rin akong ganang kumain.

Daig ko pa ang nakipag-break sa two-timer na boyfriend sa pagmo-mope.

Hmm. Sana lang talaga payagan ako.













DotA na lang tayo. Tae.

Thursday, October 18, 2007

Screw It

OK na sana lahat kaso. Shemay. Ano ba naman yun?

Since the day our college lives officially started (which was way last June), hindi ko na nakita ang mga former classmates ko. (Okay, so mayroong mga occasional "bump into's" pero yun na yun.) So yun nga. Err...ngayon na lang ulit ako nakaranas ng matinong reunion. I'm supposed to be happy and whatnot. Pero. Erm. Ganun talaga.

Sabi ni Kuya Newton:

"For every action, there's always an equal and opposite
reaction."
Kahit ba sabihin ninyong pang-Physics lang yan, applicable din yan sa totoong buhay. Yun nga. Quarter to 11, umalis na ako sa bahay at nagpunta na sa supposed meeting place namin. Akala ko ako na lang hinihintay dahil 10:30 AM ang usapan. Bili naman ako ng Slurpee. Hindi ko rin naman nagustuhan. Huhu. Wala palang laman sikmura ko at bigla akong napainom ng softdrink. Tae.

So yun. Err.

11:00 - Hyper text brigade na ako dahil wala pa ring dumadating/nagrereply.
11:30 - Nagtext si Latootz at sinabing kakagising nya lang.
12:00 - Dumating si Mylang. Nagyaya ako sa McDo. Craving for fries. Mehehe.
12:30 - Nagtext si Cielo at nagpapasundo sa 711 na katapat ng McDo kung saan kami kasalukyang lumalamon. Naiiyak na daw siya. Haha.
1:00 - Pumunta na kami kila Bianca. Yea.

At yun nga, napuno ang hapon namin ng English ni Pokwang, baluktot na English ng kasama nyang naging contestant sa search for the next White Castle girl, lechon manok, piano recital ni Cielo, Lita's Store, Guitar Hero, yung chichang hindi ko maalala ang pangalan, Naruto Shippuden, Tekken 5, Resident Evil 4 (Wa...Leon...T-T), Pinoy Big Brother, cam moments...err...yun. At iba pang hindi ko na maalala. Huhu. Masaya. Sobra.

At na-drain ang cellphone ko.

Yun. 6 na kami umalis kila Bianca. Para na pala akong umuwi galing sa UP nang walang traffic sa Shaw dahil 7:30 na ako nakarating sa bahay. Huhu.

Pero bago yun, meron pang nangyari sa tricycle.

Sa palengke kami bumaba ni Mylang. Isang sakay na lang ako. Yun nga. Tricycle. Yung una kong nilapitan, 20 daw bayad. Hallur. 15 lang kaya (12 pa nga talaga yun e). Kung mayaman lang ako at hindi bakasyon (di tulad ngayon), pumayag na sana ako. Kaso nasa über cheapskate mode ako kanina kaya...yun. Hindi ako sumakay. Dun ako sa pangalawa sumakay.

E di yun, pagdating, nag-abot ng bente, naghintay ng sukli. Tapos.

Manong: Magkano ba binabayad nyo?
Ako: Kinse ho.
Manong: (Nag-abot ng P5) Sinabi mo na sana kanina nang
hindi kita sinakay. Kawawa naman kami.

First time when I felt really, really bad over a five-peso coin. Ang panget ng pakiramdam. Yun.

Salubong ba naman ng lola ko sa akin: "Patay ka sa nanay mo."

Ano ba naman yun?

Yun nga. Galit si Mami. Kanina pa pala ako tinetext. Wala naman akong magawa kanina dahil off na cellphone ko. Nung chinarge ko, saka ko lang nabasa yung mga text nya.

Kukunin nya na lang daw yung cellphone ko dahil wala namang silbi. Malas. Ngayon na lang ulit ako lumabas nang na-drain ang cellphone, saka pa siya nagtext. At galit pa siya. Tae talaga.

Matagal na daw nangyayari yun. Eh ngayon lang kaya. Sus. Ewan.

Ang masaklap, baka idamay pa nya yung activity namin sa org sa Monday at kahit yung induction namin sa galit niya. Ganun naman siya eh. Pero sana, wag naman. Matagal na akong nagpaliwanag sa kanya tungkol sa Lunarock. Hay.

Fingers crossed...

Kuhanan pala ng classcards namin sa SocSci 1. Sana okay, para may kick back ako. Hay.

Lessons of the Day:
  1. Masama magsoftdrinks kapag walang laman ang tiyan.
  2. Ayoko palang pinaghihintay ako. Ayoko rin naman maging pa-VIP.
  3. Mahirap talunin si Latootz sa Tekken.
  4. Kapag malapit nang ma-drain ang cellphone, magtext agad kay Mami at ipagbigay-alam ito.
  5. Mahirap na ang buhay. Kailangang maglakad.
  6. Ayoko pa ring maglaro ng Resident Evil.
  7. Noob pa rin ako mag-watercolor.
  8. Mahirap ang Fine Arts sa UST. Mas mahal din ang tuition.
  9. Parte na ng buhay ng tao ang traffic. With that as a given, hindi ko 'to pwedeng idahilan kapag ginabi ako. Tae.

Yun. Nagdrawing na lang ako. Hay. Panget ko magdrawing. Shemay. Windang sa umaga, masaya sa hapon, wasted sa gabi. Yak.

Maintaining the equilibrium. Striking a balance. Parang gulong ang buhay, minsan nasa taas, minsan nasa baba.

Hindi daw pwedeng puro saya at puro lungkot.

Buti pa siya. Nasa induction. Hay. Nandun pa siya. T-T