Thursday, December 27, 2007

On Mistrust and More Crap

Damn. I just want them to be honest with me. And they bombard me with reasons. READ. Crappy reasons.

"You're too young to date."
"College freshman ka pa lang."
"Una akong nakipag-date nung graduating na ako sa college."

Ano ba naman ang panlaban ko? Nanay ko yun. Wala na naman akong magagawa, 'di ba? Gustuhin ko mang makipag-debate, at mag-cite ng mga patunay na mature na ako para lumabas nang kami lang ni Les, hindi pa rin pwede.
May kilala nga ako. Sixteen pa lang. Pwede nang makipag-date.
O ha. Talo pa ko.
Possible Answer ni Mami: "Siya yun. Magkaiba ang takbo ng isip ko at ng nanay nya."

Si Kuya, pwede na nung college freshman pa lang siya.
Possible Answer ni Mami: "Lalaki naman ang kuya mo."
Hindi naman sa takbo ng isip o kasarian ang batayan. Hmm. Ako lang siguro yun. Pero ayaw pa nilang sabihin ang totoo. Kaya ayaw nilang pagbigyan, wala silang tiwala sa akin.

Yeah right. Like I'll get pregnant within five hours inside a mall with hundreds of people. Tae. Sobrang nadala sila. Ni ayaw na nila ulit akong pagkatiwalaan.

Matapos ang dalawang taon mula nung mangyari yun, wala pa rin. Kung meron na ulit, konti pa rin. Alam kong hindi ganun kadali magbalik ng tiwala.

Pero nung mapanood ko yung sinabi ni Gretchen sa TV Patrol kagabi, grabe. May quotable quote siya.
"Tao rin ako. Nadadapa. Nagkakamali. Pero natututong
tumayo."
Wow. Hands down ako sa kanya. Pero as if naman pwede ko yang sabihin kay Mami at Dadi. Baka sabihin pa nilang fan ako ni Greta.

Pero hindi yun eh. Mula nung mawala si Angel sa buhay ko, I've been trying my best to be honest. As in super honest.

Pero wala pa rin. My efforts are rendered futile. Tae.

Nakakapagod na rin eh.

Naisip ko na lang. Kapag lalo pa akong lumaban sa kanila, lalo rin nilang iisiping hindi pa rin ako nagbabago. Nakakainis. Gusto ko lang namang pagkatiwalaan ulit nila ako. Ayoko nang magsinungaling sa kanila. Ayoko ng pakiramdam eh.

Nakakainis.

Natututo rin naman ako sa mga pagkakamali ako. Hindi ako bobo. Yun ang napatunayan ko sa sarili ko. At sana bigyan man lang nila ako ng pagkakataon para patunayan sa kanila na hindi ako inutil.

Sunday, December 23, 2007

Crap, Crap and More Crap

First and foremost:
  1. This is a pretty crappy post. Yes. Crappy. The rants, my mood, what I'm feeling right at this very moment - crap. It's just plain, boring crap. And maybe the only reasons that you'll still continue reading this are a) you like hardcore crap and b) you know me personally and you're completely aware that I write crappy blog entries. Hence, that's fine with you.
  2. In case you wouldn't believe what I said in #1, take a long hard look at my mood icon. It's crappy, isn't it? ^_^
  3. If you're not into crappy, mushy stuff about missing someone badly, then please visit another less crappy blog. Hey, I'm trying to save you guys from hating me.
  4. I read this from another blogger's, uh, blog. "I blog to express, not to impress."

Don't tell me I didn't warn you.

*****************

Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-update ng blog. Wala siguro sa blogger's mood. O kaya, wala lang insidenteng sobrang nagpagalit sa akin (i.e. enrollment, Lunarock induction pagpapaalam blues).

At heto na naman ang isa pa. Since matagal na panahon na ang nakalipas mula nung sinulat ko yung huling entry, medyo mahaba ang isang 'to. Naipon na ata ang lahat ng sama ng loob ko.

Tae. At December 24 ngayon. Di ba dapat masaya ako, tayo, sila? Tayong lahat? Siguro nga masaya ako. Uhh. Ang labo. Para kasing wala lang lahat. Tae ulit. Wala lang. Parang summer vacation lang.

Masaya ako. Haha. Ang weird. Gusto ko kasing maiyak. Pero hindi dahil sa tuwa. Natatakot lang siguro ako. Siguro nga sobrang miss ko na siya. Sa cellphone at RF lang kami nagkakaalaman.

At yun nga. Naisip ko na lang. Paano kung wala akong load? Paano kung hindi ako makaconnect sa server ng RF? Paano kung may gumagamit ng PC? E di wala na. Yun na nga lang ang means of communication namin. Hindi pa laging maaasahan. Milya-milya ang layo namin sa isa't isa. Hindi ko naman siya pwedeng papuntahin na lang ng Maynila kung kailan ko gugustuhin. Karamutan naman yun. Hindi naman niya kasalanang sa Laguna siya nakatira. Wala naman kaming magagawa tungkol dun sa ngayon. Ano ba naman ang pwede naming gawin maliban sa magtiis?

Paano na kapag graduate na siya? Swerte na lang sa aming dalawa kung dito siya sa Maynila makakahanap ng trabaho. Pwede ko pa rin siyang makasama. Eh paano kung hindi sa Maynila? Paano kung sa Laguna pa rin? Paano kung mag-abroad siya?

Hindi kasi ako sanay sa ganto.

Absence makes the heart grow fonder. Daw.

Crap yun. Kalokohan. Haha. Not applicable sa akin.

Immature nga siguro ako. Pero ngayon, natututo na ako. Marunong naman akong maghintay eh. Haha. Madali naman akong kausap. Tiis pa rin. Kailangan ko na lang gawin ang dapat kong gawin. Wala naman ako sa lugar para magreklamo. Sino at ano ba naman ako para magsalita?

Kahit nga sa kanya hindi ko sinasabi. Ang damot ko. Ayoko naman kasing problemahin pa niya to. Baka kung ano pa gawin nya. Baka kung ano pang isipin nya.

Sa totoo lang, ako rin naman ang nagpapahirap sa sarili ko. May pinoproblema ako. Kanino ko sasabihin? E di sa keyboard. Kapag kasi sinabi ko sa iba, baka pati sila maapektuhan. Baka hindi sila makarelate. Ako pa rin ang mukhang tanga. Baka isipin pa nila na ang babaw ng pinoproblema ko. Mababaw ang pinoproblema ko, mababaw ako.

Pero ba't ganun? Parang ang daming umaapekto sa akin? Siguro nga inggitera ako. Pero ayoko namang aminin na naiinggit ako dahil alam kong masama ang maiinggit. Yun ang tinuro sa akin ng nanay ko.

Gusto ko na lang maiyak.

Ang cute talaga ni Hiro Nakamura. ^___________^