Monday, November 5, 2007

Emo? Hell No (and they rhyme)

Anxiety

Walking through an unfamiliar town
Faceless people passing by
A conundrum is keeping me down
It's eccentric, I don't know why

Those hypocritical grins
And insincere affections
I obtain nothing but these
Still, I search for resolutions

Despair and misery
What's in store for me?
Time and destiny
Now all I feel is anxiety

An enigma, it stays as is
Always torment, never bliss
How can I persist
When all I undergo is this?

Engulfed by the misty ambiance
I let my head sink in my palms
For all I want to do is to overlook
About the love that I once mistook

Uh. Yea. Written way back when I was still in first year high school. At ang emo pala ng dating nito. Buti naman at hindi nalaman ng madlang people na ako ang sumulat nito. Haha. I never had it published with my name under the title. Gumamit lang ako ng pen name nung binigay ko 'to sa Literary Ed ng school paper namin. Wala na daw kasing nagsu-submit.
At yun nga. Hindi ko rin alam kung ano ang inspiration ko nung sinulat ko to. Mali rin naman ang pagkakagawa. Uhh. Freeform ba tawag dun? Basta yung malayang pagsulat. Walang sukat, walang tugma.
Anyway, emo. Ano ba talaga ang emo? Maliban sa shortcut form ng salitang 'emotional', ano pa ba ang ibig sabihin nito? Kahit ang isang pamamaraan ng pananamit ay tinatawag na emo. Nabasa ko rin sa isang vandalism na ang emo ay isang genre ng musika.
Malabo pa rin ang ibig sabihin para sa akin ng salitang ito. Pero isa lang ang masasabi ko:
Hindi ako emo. Hell no.
At sana may makasagot ng tanong na umusbong mula sa aking katangahan.
***
Mga significant events sa aking buhay:
  1. Nalaman ko na may blog pala ang sosyal na chimay na si Inday. Haha.
  2. Nakaalala ako ng mga bagay na walang kinalaman sa course ko ngayon natutunan ko sa Physics. Sumakit lang ang ulo ko. Yun ay ang Quantum Theory. Haha. At nagkataong ka-chat ko sila Kuya Lester at Kuki kaya sila ang nagtiyaga at tumiis sa aking mga pinagsasabi.
  3. Pati rin pala ang Pater Noster o ang Latin version ng Our Father. Buti na lang hindi ko nabanggit ang Salve Regina.
  4. Inutusan ako habang nagpopost dito. Naasar ako. Ayokong pinapahanap sa akin ang mga bagay na nasa harap lang ng nagpapahanap sa akin. o_o
  5. Gusto ko may #5 para hindi naman masagwang tingnan.

Makulay ang buhay 'pag ginawang gulay. Yea right.

Labels: ,

Friday, November 2, 2007

Hello, Betty Banana!

Sa hindi nakakaalam, si Betty Banana ay isa sa mga mascots ng Lactum. Uhh. Yun. Nakatanggap ako dati ng GM galing kay Bianca. Pumapalit na daw ang commercial ng Lactum sa Knorr. Haha. Quoting Bianca:

"Wala pa ring tatalo sa sinabawang gulay."

Well said. Haha. Galit talaga ako sa mga commercials. Noon pa, kahit ngayong alam kong mga ads na tulad nito ang bumubuhay sa mga local broadcasting stations. At dahil hardcore Catholic [ata] ako, alam ko na mayroong 'lies of propaganda'. Yeah. Yun nga. Lahat ng pwede nilang sabihin, sasabihin nila sa mga ads nila, makabenta lang. At dahil malakas ang hatak ng media sa madlang people, marami ang madali nilang napapaniwala.


Hay. My point of view. Malabo. At may kinalaman pa sa advertising ang course ko. Bahala na si Batman sa kung anong klase ng trabaho ang bagsakan ko. Hay.

***

Tapos na ang induction. Uhh. Halos isang linggo na ang nakalipas. Yea. ^^ Masaya naman ako. All the prayers, rituals, animal sacrifices, mga ginawa nila Kuya Lester, Kuya Tzad, Kuya Rikki, Kuya Ced - basta, sa mga kumausap kay Mami - finally paid off. Haha.

At ngayon, dahil sobrang faithful ako sa law ni Kuya Newton, isa na namang problema ang kinakaharap ko ngayon. Biruin mo, first year pa lang ako, may possibility nang ma-delay ako. Wow. First year, second sem.

Ang CRS o ang Computerized Registration System. Haha. Ang salarin. Computerized...yeah right. All the more reason for it to be such a pain in the neck. Ang alam ko, priority ang freshmen. Pero ano to?!

Eighteen units dapat ako. Hindi kasama sa bilang ang PE. Anyway, naka-9 lang ako. 0_O How's that? *sniff* Pinoproblema ko pa ngayon kung paano makukuha yung remaining 9 units. Hay. At naubusan pa ako ng slot sa isang MAJOR SUBJECT. Kalokohan naman yun.

I'm not going to rant about that controversial TOFI. Marami rin siguro kaming hindi pinalad na makakuha ng subjects bago ang mismong enrolment. Hay. Taeness.

Wala na akong masabi. Ay. Meron pa pala.

I love CRS.